Qatar Airways ipagpapatuloy ang mga flights sa Haneda ng Disyembre 11

Ang airline ay kasalukuyang nag-ooperate ng pitong flight bawat linggo sa pagitan ng Narita Airport at Doha.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspQatar Airways ipagpapatuloy ang mga flights sa Haneda ng Disyembre 11

DOHA- Ang Qatar Airways ay magpapatuloy ng tatlong beses na lingguhang flight sa Haneda Airport ng Tokyo sa Disyembre 11.

Ang airline ay mag-ooperate ng kanilang serbisyo sa gamit ang Boeing 777 na nagtatampok ng 42 flatbed na upuan sa Business Class at 312 na upuan sa Economy Class.

Ang airline ay kasalukuyang nag-ooperate ng pitong flight bawat linggo sa pagitan ng Narita Airport at Doha.

Sinabi ni Thomas Scruby, Bise Presidente – Pacific Qatar Airways, “Kami ay nasasabik na ipagpatuloy ang pag-operate sa Tokyo Haneda, bilang bahagi ng aming pagsisikap na muling itaguyod ang network sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Ang pagpapatuloy na ito ay magbibigay ng karagdagang pagkakakonekta sa buong mundo at sa ating mga pasahero sa Japan. Ang Qatar Airways ay napatunayan ang kanyang sarili na isang responsable at pinagkakatiwalaang airline sa mga pasahero sa buong mundo at ligtas na naseserbisyuhan ang higit sa 2 milyong mga tao para makauwi sa panahon ng krisis na ito. Habang papadali ang paghihigpit sa global restrictions, inaasahan din namin na ibalik ang mas maraming mga ruta habang nilalayon naming magpatakbo ng higit sa 120 destinasyon sa pagtatapos ng taon upang higit na maiugnay ang mga pasahero sa ibang bahagi ng mundo. ”

Ang mga onboard safety measures ng Qatar Airways para sa mga pasahero at cabin crew ay kasama ang pagbibigay ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa cabin crew, at isang komplimentaryong kit ng proteksiyon at disposable na face mask para sa mga pasahero na kinakailangan nilang isuot sa kabuoan ng flight.

Source and Image: Japan Today

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund