Ang Meiji Jingu, isang pangunahing dambana ng Shinto sa gitnang Tokyo, ay nagpasya na isara ang mga pintuan nito sa Bisperas ng Bagong Taon upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ang dambana ay nagka-karoon ng halos 3 milyong bisita sa unang tatlong araw ng Enero bawat taon. Karaniwan, ang tatlong pintuang-bayan nito ay bukas buong gabi sa Bisperas ng Bagong Taon upang payagan ang mga sumamba na makapasok.
Ngunit nagpasya ang shrine na isara ang mga gate ng 4:00 ng hapon, sa Disyembre 31, at muling bubuksan ang mga ito ng 6:00 ng umaga sa Enero 1, habang nananawagan sa mga tao na mag-spread out sa kanilang pagbisita upang maiwasan ang pagsi-sikip sa lugar.
Plano rin ng Meiji Jingu na mag-lagay ng mga signs upang maiwasan ng mga bisita ang close-contact at ma-ensayo ang social-distancing habang sila ay nag-aalay ng panalangin.
Mula Enero 1 hanggang 4,ipagpapabawal ang mga stand ng pagkain sa shrine,at ang restawransa loob ng compouund ay mananatili ring sarado.
Hinihiling ng mga opisyal ng Shrine na nais nila na umiwas ang mga tao sa peak days.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation