Narita Temple, nilinis bilang pag-hahanda sa pag-tatapos ng taon

Sinabi ng isang pari na malinis na ang templo para sa Bagong Taon at ipinapanalangin niya na matapos na sana ang nararanasang pandemiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Mahigit 40 monks at staff members na naka-suot ng mask ay nag-tipon sa mqin hall ng Naritasan Shinshoji Temple bandang alas-5:00 ng umaga at nag-simulang mag-punas ng mga Buddist statues at altar ornaments gamit ang mga brush at basahan.

Gumamit din sila ng 8 metrong mahahabang kawayan upang malinis ang mga carved wood panels na malapit sa bubong. Winalis din nila ang mga alikabok sa hall na mayroong 296 na tatami mats.

Halos 3 milyong tao ang karaniwang bumibisita sa templo sa unang 3 araw ng Enero. Ngunit nakiki-usap ang mga staff sa mga tao na iwasan ang ganitong pag-titipon upang maiwasan ang peligro ng pag-kalat  ng coronavirus. Ang mga taong bibisita rito ay sasabihan na sundin ang social distancing.

Sinabi ng isang pari na malinis na ang templo para sa Bagong Taon at ipinapanalangin niya na matapos na sana ang nararanasang pandemiya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund