Nitong sabado, nagsagawa ng pag-pupulong ang mga eksperto ng CDC ukol sa bakuna.
Sinabi dito na mahigit 270,000 katao sa bansa ang naka-tanggap ng unang shot ng bakuna na ginawa ng Pfizer at BioTech sa pagitan nuong Lunes at Sabado.
Sinabi rin dito na nakatanggap sila ng report na 6 na kataong nakatanggap ng bakuna ay nagpakita ng anaphylactic reaction pag-sapit ng Biyernes.
Maliban sa isa na nagkaroon ng kasaysayan ng vaccine allergic reactions, wala ni isa sa kanila ang nakaranas ng ganitong reaksyon sa nakaraan.
Ayon sa isang opisyal ng US Food and Drug Administration ay nag-sabi nitong Biyernes na nag-sususpetsa sila na mayroong isang chemical na tinatawag na polyethyleneglycol ang siyang dahilan nang nasabi reaksyon.
Samantalang, inaprubahan naman ng FDA ang pag-gamit ng isa pang bakuna na dinevelope ng Moderna and CDC advisory panel na maaaring ibakuna sa mga taong nasa 18 anyos at pataas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation