Mga unggoy naka-tambay sa tapat ng isang siga sa isang zoo sa Japan.

Ang mga Yakushima macaques -- isang Japanese monkey subspecies.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Yakushima macaques ay naka-tambay habang nagpapa-init sa tapat ng isang bonfire sa Japan Monkey Centre sa Inuyama, Aichi Prefecture, nuong Dec. 20, 2020.

INUYAMA, Aichi — nag-tipon ang mga Yakushima macaques palibot sa isang bonfire upang painitan ang sarili sa Japan Monkey Center sa central Japan city nitong ika-20 ng Disyembre. Ang mga unggoy ay makikitang natutuwa mula sa init ng apoy sa gitna ng nararanasang tindi ng malamig na panahon.

Ang taunang bonfire event ay nagsisimula tuwing ika-20 ng Disyembre para sa 140 na Yakushima macaques — isang Japanese monkey subspecies — at gaganapin din sa December 21 ang winter solstice, at tuwing weekend at public hholidayhanggang Jan. 31 ng susunod na taon.

Ang bonfire ay matagal nang tradisyon ng zoo tuwing tag-lamig. Matapos dumaan ng malakas na bagyong Vera (Isewan Typhoon) nuong 1959, ang mga unggoy ay nag-titipon tipon sa palibot ng apoy nuong nag-siga ng kahoy ang staff upang magpa-init ng kanilang katawan. Sumama na rin ang ibang mga unggoy na tumambay sa tabi ng apoy. Sa nasabing event makikita ang mga unggoy na humihikab habang sila ay nagpapa-init ng kanilang mga katawan.

Nag-iihaw rin ng mga kamote sa bonfire at ito ay ibinibigay sa mga unggoy tuwing alas-2:00 ng hapon. Ang pag-iihaw ng mga treats ay magpapa-tuloy hanggang ika-11 ng Enero.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund