Isang 83-taong-gulang na residente ng Kainan City, Wakayama Prefecture ang nahuli dahil sa pagtanggal ng mga discount sticker at pag lipat nito sa kanyang mga pinamili.
Nang mai-install ang mga self checkout counter sa kanyang lokal na supermarket, napansin ng matalinong matanda na na-scan nito ang sticker na may 50% discount sa kanyang item at awtomatikong binawas ang presyo. Napagtanto na ang sticker lamang ay ang susi ng scanner na bigyan siya ng isang 50% discount, kaya’t kinuha niya ang mga sticker at inilapat sa mga items na bibilhin niya.
Nagawa na niya ito nang ilang beses sa magkakaibang araw, ngunit nabisto ito nang mapansin ng manager na madaming kulang sa inventory at nagtatakang bakit nagagamitan ng discount ang mga item na dapat ay walang discount.
Minanmanan nila ang mamimili at doon nila na pinpoint kung ano ang modus ng matanda kayat hinuli nila ito sa labasan ng supermarket matapos na muling ginawa ang parehong modus
Join the Conversation