TOKYO
Isang 61-taong-gulang na lalaki na nahatulan ng kamatayan noong 2010 dahil sa pagpatay sa isang kababayan na babae noong 2008 at sa 14 na taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa isa pang babaeng Pilipino noong 1999, ang namatay sa sakit sa Tokyo Detention Center noong Linggo ng umaga.
Sinabi ng tagapagsalita ng Justice Ministry na si Hiroshi Nozaki ay namatay sakit sa kidney, at idinagdag na siya ay nagkasakit mula pa noong 2018. Sinabi ng tagapagsalita na tumatanggap siya ng dialysis mula pa noong simula ng Disyembre ngunit tinanggihan ito noong Biyernes at hindi na din siya uminom ng anumang mga antibiotics.
Pinarusahan ng Tokyo High Court si Nozaki dahil sa pagpatay kay Honiefaith Ratilla Kamiosawa, 22, noong 2008 at Elda Longakit Yoneda, 27, noong 1999, iniulat ng Kyodo News. Sinofucate ni Nozaki si Yoneda sa futon mattress at sinakal naman si Kamiosawa. Chinop chop niya ang katawan ni Yoneda at itinapon ang mga bahagi sa isang kanal at iba pang mga lugar. Si Nozaki ay may relasyon sa parehong mga biktima.
© Japan Today / Kyodo
Join the Conversation