Lalaki, nasakote sa pagnabakaw sa isang pizza store

Pinagbantaan di umano ng suspek ang isang 30 taong gulang na babaeng empleyado gamit ang isang kutsilyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

NAGOYA- Inaresto ng mga awtoridad ng Nagoya, ang isang 29 taong gulang na lalaki na walang trabaho sa salang pagnanakaw at assault matapos nitong diumanong pagnakawan ang isang pizza store ng ¥128,000 at atakihin ang empleyado ng tindahan gamit ang isang kutsilyo nitong nakaraang linggo.

Ayon sa mga imbestigador, tahasang inamin ni Yuta Kojima ang krimen, Ayon sa mga awtoridad, na pumasok ng Domino’s Pizza sa Naka Ward ang suspek bandang 2:20 ng hapon noong Nobyembre 30, iniulat ng Sankei Shimbun.

Pinagbantaan di umano ng suspek ang isang 30 taong gulang na babaeng empleyado gamit ang isang kutsilyo kung saan sinabihan niya ito na kung pinapahalagahan nito ang kanyang buhay ay kinakailangan niyang buksan ang kaha de yero at ibigay sa kanya ang perang laman nito.

Nagtamo ang babae ng tama ng kutsilyo sa braso bago nakatakas si Kojima tangay ang pera. Walang ibang mga empleyado sa tindahan noong panahong iyon.

Nakilala si Kojima sa pamamagitan ng footage ng surveillance camera sa kalye. Sinabi ng mga pulis noong Linggo na nanatili itong tahimik mula nang siya ay naaresto.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund