TOKYO – Hinahabol ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki na nang-gilit sa isang lalaking pedestrian sa Nakano Ward noong Huwebes, iniulat ng TV Asahi (Disyembre 10).
Dakong 5:30 ng umaga, gamit ang kutsilyo nilaslas ng salarin ang leeg ng isang lalaking naglalakad, nasa edad 20, sa isang kalye sa harap ng Nakano Sun Plaza.
Kalaunan dinala ang biktima sa isang ospital na nasa malubhang kondisyon. Nagtamo ang biktima
ng 30 sentimeter na sugat na umaabot mula sa kanyang lalamunan hanggang sa kanyang dibdib. Ang pinsala ay inaasahang mangangailangan ng isang buwan upang gumaling, ayon sa mga awtoridad.
Sa oras na iyon, naglalakad ang biktima papunta sa JR Nakano Station kasama ang dalawang babaeng kakilala.
Matapos ang insidente, ang salarin, na pinaniniwalaang nasa edad 60 na, ay tumakas mula sa pinangyarihan. Isa sa mga kakilala ng biktima ang nag-report ng insidente sa mga pulis.
Inaalam ng awtoridad kung may alitan sa pagitan ng salarin at ng biktima na humantong sa insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation