TSU — isang high school teacher sa Prepektura ng Mie ay binigyan ng written warning mula sa Prefectural Board of Education matapos makasakit ng damdamin ng isang mag-aaral na siyang sumailalim sa pag-susuri ng coronavirus sa pag-sabi nang ” Naku, mag-susuot ako ng mask dahil nandito ka.”
Nagulat umano ang mag-aaral sa sinabi ng guro na nag-eedad ng 40’s at kasalukuyang nag-tatrabaho sa isang public high school. Ang estudyante ay napilitang lumiban sa paaralan ng mahigit isang linggo dahil sa insidente.
Ayon sa Mie Prefectural Board of Education, ang guro ay nasa loob ng staff room meeting kasama ang third year student upang pag-usapan ang kanilang plano pagka-tapos mag-tapos ng highschool nuong umaga ng ika-2 ng Oktubre. Ayon umano sa ulat, ang pag-komento ng guro ay sinambit kahit na may kaalaman ito sa nangyaring pag-papasuri ng polymerase chain reaction test nang buong pamilya ng nasabing mag-aaral.
Nuong gabing iyon, napag-alaman ng paaralan ang nasabing insidente nang makiapag-ugnayan ang guardian ng bata sa pamamagitan ng lokal na Board of Education. Napag-alaman din na nag-bigay umano ng paliwanag sa magulang ang nasabing guro at nag-sabing “Wala akong naaalala na nabanggit na ganong bagay.”
Mula sa isang panayam sa Prefectural Board of Education, sinabi umano ng guro na ” Hindi ko sinabi yun bilang pangungutya sa nangyari sa kanila kung hindi ay dahil sa ako ay hindi naka-suot nang mask nuong mga oras na iyun at nasambit ko ang mga nasabi ko nang hindi nag-iisip.”
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation