Ipinahayag ng mga siyentipiko ng Japan Space Agency na ang Hayabusa 2 probe ay nakamit ang perpektong tagumpay sa misyon nito, na ang layunin ay makapagdala pauwi ng mga sample mula sa isang malayong asteroid.
Ang Japan Aerospace Exploration Agency, o JAXA, ay nagsagawa ng isang online news conference noong Martes.
Sinabi ng mga mananaliksik na natagpuan nila ang mga maitim at mabuhanging mga particles sa loob ng isang storage device mula sa kapsula na bumagsak sa isang disyerto sa Australia noong Disyembre 6. Ang kapsula ay isang parte mula sa Hayabusa 2.
Sinabi pa nila na ang mga maliit na butil, bawat isa na may sukat na ilang millimeter sa laki, ay pinaniniwalaan na nakolekta sa unang pag-lapag ng probe sa Ryugu Asteroid.
Dagdag pa ng mga mananaliksik na ipinakita ng mga pagsusuri na ang mga gaseous material na nilalaman ng storage unit ay mula sa asteroid. Sinabi nila na ito ang unang pagkakataon na ang isang sample ng gas ay naihatid mula sa kalawakan sa mundo.
Idinagdag din nila na ang storaage device ay malamang na naglalaman din ng iba pang mga sample mula sa pangalawang pag-lapag ng probe. Plano nilang buksan ang hindi pa nasusuri na bahagi ng aparato sa ibang araw.
Ayon sa JAXA , sila ay magsasagawa ng isang detalyadong pagsusuri ng lahat ng mga sample sa pag-asang sila makapag-bigay ng pananaw sa mga pinagmulan ng solar system at buhay sa ating mundo.
Sa isang recorded message, ang Project Manager ng JAXA na si Tsuda Yuichi ay nagpahayag ng kasiyahan, at nagsabing, “Mayroon na kaming mga asteroid particles mula sa labas ng atmospera ng Daigdig, isang bagay na matagal na nating pinapangarap.”
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation