Share
Ang gobyerno ng Japan ay magpapa-disinfect ng mga poultry farms sa buong bansa upang mapag-labanan ang patuloy ba pagkalat ng bird flu, sayon sa ulat ng pambansang broadcaster na NHK.
“Ang pagiging vigilante ay mas kinakailangan ngayon kumpara sa karaniwang mga taon,” sinabi ng punong tagapagsalita ng gobyerno na si Katsunobu Kato sa NHK , pagkatapos ng pagpupulong sa iba pang mga opisyal ng gobyerno.
Ang Bird Flu ay napansin sa anim na mga rehiyonal na prefecture mula pa noong nakaraang buwan sa pinakamalalang outbreak sa Japan sa higit sa apat na taon. Ang Bird Flu ay mabilis ding kumalat sa Europa, kung saan nababahala ang poultry industry.
Source and Image: Japan Times
Join the Conversation