Isang YouTuber ang dinala sa prosekyutor dahil sa ginawa nitong “stunt” sa isang tawiran sa Tokyo

"Ito ay aking ginawa upang dumami ang nanunuod sa akin."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – iniharap ng Tokyo Metropolitan Police ang isang YouTuber sa prosekyutor dahil sa ginawa nitong stunt sa JR Shibuya Station nitong taon, ulat ng TBS News (Ika-11 ng Disyembre).

&nbspIsang YouTuber ang dinala sa prosekyutor dahil sa ginawa nitong

Tatlong beses nuong gabi ng ika-31 ng Oktubre at nang sumunod pang umaga ay hindi umano pinansin ng 42 taong gulang na YouTuber ang pulang ilaw ng traffic light sa tawiran o mas kilala sa tawag na “Scrable Crossing” at nanatiling nakatayo sa gitna habang dumaraan ang mga kotse sa kanyang harapan.

Sa kabila ng mga pag-sisikap ng mga lokal na awtoridad na ipag-bawal ang malalaking pag-titipon dahil sa nararanasang pandemiya, marami pa rin ang mga taong pumunta sa lugar upang ipagdiwang ang Halloween.

Ang footage ng nasabing insidente ay ipinalabas sa kanyang YouTube Channel. Sa umpisa makikitasiya sa gitna ng maraming tao habang tumatawid sa kalsada. Ngunit nang maging pula na ang ilaw ng traffic light, ang YouTuber ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kalsada. Mayroon pang pagkaka-taon na ito ay humiga sa gitna ng kalsada.

Nitong Biyernes, iniharap ng mga pulis ang YouTuber sa prosekyutor dahil sabpag-labag nito sa Road Traffic Act. “Ito ay aking ginawa upang dumami ang nanunuod sa akin.” ani nito sa mga pulis kasabay ng pag-amin sa mga alegasyon laban sa kanya.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund