Isang Pinoy ang inaresto sa kasong hit and run sa Gamagori Aichi

Isang Pilipino ang inaresto matapos na tumakas nang mabangga at mapatay ang isang 75 taong gulang na lalaking nakahiga sa kalye sa Gamagori, Aichi Prefecture. #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Pinoy ang inaresto sa kasong hit and run sa Gamagori Aichi

Isang Pilipino ang inaresto matapos na tumakas nang mabangga at mapatay ang isang 75 taong gulang na lalaking nakahiga sa kalye sa Gamagori, Aichi Prefecture.

Si De Dios Renato Jr. Daduya, isang 34-taong-gulang na Pilipino ay nabangga ang lalaking nakahiga sa kalye habang nagmamaneho sa Mitani-cho, Gama-gun pagkalipas ng 6 ng gabi noong Disyembre 24.

Ang biktima, isang matandang lalaki na si Ishiguro (75) ay nauna ng nabangga ng isa pang sasakyan kaya’t nakatumba siya sa kalye ngunit siya ay buhay pa noon.

Itinanggi ni Daduya ang mga bintang sakanya at sinasabing, “May nabangga ako pero akala ko isang bagay lang at hindi isang tao.”

Ang biktimang si Ishiguro ay na-bangga ng isa pang sasakyan kasama ang kanyang 73-taong-gulang na kapatid na babae bago pa ang aksidente na ito, at ang 45-taong-gulang na babae na nagmamaneho ng naunang nakabanggang sasakyan ay naaresto din sa charge na reckless driving resulting to injury.

Source: ANN News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund