Isang lalaking mayroong mild coronavirus, natagpuang patay sa isang quarantine hotel room sa Kanagawa

Sila rin ay nag-iimbestiga kung bakit hindi agad nagpa-tawag ng doktor nuong nag-sabi ang lalaki na siya ay nakakaramdam ng pananakit at fatigue nuong siya ay tinawagan nang alas-8:00 ng umaga.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

Nuong Sabado, nagsa-gawa ng isang news conference ang Prefectural Health Officials kung saan sinabi nila na ang lalaki na natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanyang tinutuluyang kwarto ay pumanaw dahil sa acute bronchopneumonia, ayon sa ulat ng Fuji TV. Ang pag-panaw ng lalaki ay isa lang sa iilang kaso nang mga namatay na mayroong mild symptoms Japan habang ito ay ginagamot sa isang quarantine facility na mayroong naka-duty na personnel.

Sinabi ng mga opisyal ng Prefectural Health Office na ang lalaki ay walang ano mang pre-existing medical condition, at na-diagnose na nag-positibo sa coronavirus nuong ika-4 ng Disyembre at na-admit sa nasabing hotel nuong ika-9 ng Disyembre. Nuong mga panahong iyun, sinabi niya na nakakaramdam siya ng pag-sakit ng muscle at kasu-kasuan.

Ang mga medical personnel sa hotel ay nagche-check sa mga pasyenteng nasa hotel sa kani-kanilang kondisyon gamit ang messaging app na Line araw-araw tuwing alas-8:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon. Nuong ika-11 ng Disyembre bandang alas-8:00 ng umaga ay nag-sabi ang lalaki na masakit ang kanyang ulo at nakakaramdam ng pagka-pagod. Bandang alas-3 ng hapon at alas-4:00 ng hapon ay hindi sumagot sa Line ang lalaki. Muling tumawag ang mga staff sa mobilephone ng lalaki bandang alas-6:30 ng hapon, ngunit hindi ito sumagot.

Ngunit hindi pumunta sa kanyang kwarto ang mga medical personnel hanggang sa sumapit ang oras ng alas-8:00. Sa mga oras na ito, ang lalaki ay wala ng malay. Ang lalaki ay agad na dinala sa ospital kung saan ito ay kinumpirmang wala ng buhay.

Sa news conference, ang mga opisyal sa Prefectural Health Office ay humingi ng paumanhin dahil sa hindi agad nag tungo ang kanilang staff sa kwarti ng lalaki upang makita ang kondisyon nito. Sila rin ay nag-iimbestiga kung bakit hindi agad nagpa-tawag ng doktor nuong nag-sabi ang lalaki na siya ay nakakaramdam ng pananakit at fatigue nuong siya ay tinawagan nang alas-8:00 ng umaga.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund