Isang bulag patay, matapos mahulog sa platform

Sinabi ng mga opisyal na isang security guard ang pumindot sa emergency button, ngunit huli na upang mapatigil ang papalapit na tren.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang bulag patay, matapos mahulog sa platform

Isang lalaking visually impaired ang namatay matapos itong mahulog sa isang subway station platform sa Tokyo kung saan siya ay nahagip ng rumaragasang tren.

Ang aksidente ay nangyari noong Linggo sa Toyocho Station sa Tozai Line. Ang safety barriers ay kasalukuyan noong ini-install sa istasyon at magsisimulang magamit sa Pebrero.

Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na isang 68 taong gulang na massage therapist at nanirahan sa Tokyo.

Sinabi ng mga opisyal ng kapulisan at Tokyo Metro na ang kuha ng security camera ay nagpapakita sa lalaking naglalakad na may tungkod at nahuhulog sa mga track nang hindi tumitigil.

Sinabi ng mga opisyal na isang security guard ang pumindot sa emergency button, ngunit huli na upang mapatigil ang papalapit na tren.

Ang isa pang tren ay tumigil sa tapat ng platform.

Si Yamamoto Kyoko, pinuno ng isang pangkat na sumusuporta sa mga visually impaired na indibidwal, ay nagsabi na maaaring naisip ng lalaki na ang tren ay nasa tapat ng platform kung siya naroon.

Idinagdag pa niya na labis na nakapanghihinayang ang nangyari na aksidente bago magamit ang mga safety barriers.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund