Ipinahayag ng ANA ang mga flights na Narita – Shenzhen

Ang Airline Industry ay humina na epekto ng pandemya ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang All Nippon Airways ng Japan ay naglunsad ng isang bagong internasyonal na ruta kahit na patuloy ang pag-kalat ng coronavirus. Ang serbisyo ay nagkokonekta sa Narita Airport na nagsisilbi sa Tokyo at Shenzhen sa Southern China.

Ito ang kauna-unahang bagong ruta sa ibang bansa ng airline mula nang sumiklab ang coronavirus na nagtulak sa gobyerno ng Japan na magdeklara ng pansamantalang State of Emergency noong Abril.

Ang Business Travel sa pagitan ng Japan at China ay nagpatuloy noong huling bahagi ng Nobyembre. Inaasahan ng mga opisyal ng ANA ang mabilis na pangangailangan para sa mga flights ppuntang Shenzhen, isang hub para sa mga high-tech na kumpanya.

13 na pasahero ang sakay ng unang flight noong Lunes. Kasama ng mga Business Travelers at mga Chinese national na naninirahan sa Japan.

Ang Airline Industry ay humina na epekto ng pandemya ng coronavirus. Ang ANA ay nago-operate lamang ng halos 20 % ng orihinal na naka-iskedyul na mga international flights ngayong buwan.

Source: NHK WorldJapan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund