Humihingi ng tulong ang kapulisan sa publiko

Isinugod siya ng mga emergency personnel sa estado ng cardiac arrest sa isang ospital kung saan kalaunan ito ay pumanaw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

HOKKAIDO – Humihingi ng tulong sa publiko ang Hokkaido Prefectural Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay ng isang babae na natagpuan sa isang banyo sa Lungsod ng Sapporo, iniulat ng Hokkaido Cultural Broadcasting (Disyembre 4).

Bandang 6:30 ng umaga noong Nobyembre 6, natagpuan ng isang janitress ang babae sa loob ng isang stall ng banyo sa unang palapag ng isang pasilidad sa Atsubetsu Ward.

Isinugod siya ng mga emergency personnel sa estado ng cardiac arrest sa isang ospital kung saan kalaunan ito ay pumanaw.

Nang matagpuan ng empleyado ang babae, naka-lock ang stall. Ang kanyang katawan ay hindi kinakitaan ng mga palatandaan ng anumang panlabas na mga sugat.

Isang footage na kuha ng security camera ang ipinakita sa kanyang pagdating sa pasilidad sa pagitan ng 9:30 at 10:00 ng umaga sa parehong araw. Pumasok siya sa banyo ng dakong 4:30 ng hapon.

Pinaniniwalaang nasa edad 30 hanggang 50 at may taas na 160 sentimetro, may katamtamang pangangatawan at may timbang ng halos 50 kilo.

&nbspHumihingi ng tulong ang kapulisan sa publiko

Ang kanyang maikling buhok ay kulay brown. Nakasuot siya ng beige na pantalon, jacket na itim, puting sport shoes at isang beige cap.

Batay sa transport card na natagpuan sa kanyang personal na gamit, regular itong pasahero sa subway ng Tozai Line sa pagitan ng mga istasyon ng Shiroishi at Oyachi. Ang huling istasyon ay malapit sa pasilidad.

Ang shoulder bag at isang key chain ay natagpuan din sa pag-aari ng babae. Gayunpaman, walang kahit anong bagay ang maaring magamit upang matukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Bagaman hindi ipinahayag ang sanhi ng kamatayan, sinabi ng mga awtoridad na sa ngayon ito ay isang kaso ng suicide.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund