HIT AND RUN, DRAYBER, ARRESTADO

Sinabi ng suspek na akala niya ay isang bagay ang kanyang nahagip ngunit hindi niya naisip na tao pala ang tinamaan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

GUNMA- Inaresto sa Prepektura ng Gunma ang isang 46 taong gulang na lalaki sa salang Dangerous Driving resulting to Death, matapos makasagasa at mapatay ang isang 21 taong gulang na lalaki habang nakasakay ito sa kanyang bisikleta sa Tokyo.

Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente dakong 11:00 ng gabi noong Biyernes, sa isang intersection sa Koto Ward, iniulat ng Sankei Shimbun. Ayon pa sa mga pulis,si Yuya Shinada, isang part-time na manggagawa, ay nasagasaan ng semi-trailer truck na minamaneho ni Tomoyuki Numata kung saan patuloy nitong pinatakbo ang sasakyan.

Isinugod sa ospital si Shinada kung saan binawian ito ng buhay.

Inaresto ng mga pulis, si Numata, na mula sa Tamamura sa Prepektura ng Gunma, matapos makilala ang semi-trailer truck sa pamamagitan ng footage ng surveillance ng camera sa kalye. Nakipag-ugnayan ang kapulisan sa kumpanya na nagmamay-ari ng sasakyan at nalaman na minamaneho ito ni Numata ng gabing iyon. Sinabi ng suspek na akala niya ay isang bagay ang kanyang nahagip ngunit hindi niya naisip na tao pala ang tinamaan.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund