Ang museo sa Hiroshima na nagdodokumento ng atomic bombing noong 1945 ng lungsod ay pansamantalang isasara sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng coronavirus.
Ang Hiroshima Peace Memorial Museum ay isa sa 45 pasilidad sa kanluraning lungsod ng Japan na napag-pasyahan ang mga opisyal na pansamantalang isara upang mabawasan ang personal contact.
Ang isang notice sa entrance ay nagsasabi na ang museo ay mananatiling sarado hanggang Enero 3. Ngunit ang mga taong mayroon ng reservations ay papayagang makapasok.
Ang mga bisita na dumarating noong Lunes ay mukhang nabigo at dismayado nang sila ay sinabihan ng staff na kasalukuyang sarado sa publiko ang museo.
Isang mag-aaral sa high school na mula sa Prepektura ng Gunma , hilaga ng Tokyo, ay nagsabing siya ay nadismaya sapagkat nawala ang maliit na pagkakataong malaman ang iba pang detalye tungkol sa atomic bombing sa kanyang prepektura.
Isang babae naman na nasa 40s mula sa Prepektura ng Yamanashi, malapit sa Tokyo, ay nagsabi na sa kanyang palagay ay hindi maiiwasan ang pagsasara ng museo dahil na rin sa mga balita na tumataas din ang bilang ng mga kaso ng coronavirus infection sa Hiroshima.
Ang isang opisyal ng lungsod na namamahala sa pagpapanatili ng mga alaala ng atomic bombing na si Inada Ayumi, ay nagsabi na nais ng Hiroshima na tanggapin ang maraming mga bisita hangga’t maaari sa museo dahil ang kasunduan sa UN Treaty na nagbabawal ng mga sandatang nukleyar ay magsisimula nang magkabisa. Ipininahayag ni Inada na kanyang inaasahan na ang pagtaas at pagdami ng mga kaso ng coronavirus infections ay maibsan pagdating ng oras na nakatakdang buksang muli sa publiko ang museo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation