Ferrari nawasak sa Toyosu, driver sugatan

Ilang bahagi ng kotse kabilang ang isang gulong sa harapan ay nag-kalat sa kalsada at sa sidewalk.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – sinabi ng mga pulis na ang driver ng Ferrari ay sugatan matapos nitong maibangga ang kotse sa Toyosu area sa Koto ward nitong Biyernes.

Bandang alas-9:30 ng umaga, bumangga sa guardrail ang dilaw na Ferrari sa kahabaan ng isang two-lane road malapit sa Shin-Toyosu Station, ayon sa TV Asahi (ika-11 ng Disyembre).

&nbspFerrari nawasak sa Toyosu, driver sugatan

Dumating sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente ang mga emergency personnel at matagpuan na halos wasak ang harapang bahagi ng nasabing kotse at basag ang windshield.

Ilang bahagi ng kotse kabilang ang isang gulong sa harapan ay nag-kalat sa kalsada at sa sidewalk.

Ayon sa mga pulis, ang lalaking driver na nag-eedad na 30 anyos ay kasalukuyang nagpapa-gamot sa ospital.

Kasalukuyang ini-imbestigahan ang dahilan ng nasabing insidente.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
PNB
brastel
Car Match
Flat
TAX refund
Super Nihongo
TAX refund
WU
Car Match