Doktor, arestado, dahil sa dangerous driving

Ang biktima ay tumatawid sa kalsada nang siya ay mabangga ng sasakyan ni Nagase na lumiliko pakanan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO- Inaresto ngTokyo Police noong Linggo ang isang 59 taong gulang na lalaki sa salang Dangerous Driving resulting to Death, matapos nitong masagasaan at mapatay ang isang matandang lalaki na nasa edad 80, noong Sabado.

Ayon sa awtoridad, si Hiroki Nagase, isang doktor na pinuno ng Chiba Cancer Center Research Institute, ay umamin sa krimen, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinipi siya na sinasabi na sandaling nawaglit ang kanyang mga mata sa kalsada ng isang segundo at hindi nakita ang lalaki.

Dagdag pa ng kapulisan na ang insidente ay nangyari sa Nerima Ward ng Tokyo dakong 7:35 ng gabi, Sabado, sa isang T Junction na walang ilaw sa trapiko. Ang biktima ay tumatawid sa kalsada nang siya ay mabangga ng sasakyan ni Nagase na lumiliko pakanan. Dinala siya sa ospital kung saan siya ay agad ding binawian ng buhay.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund