KAGOSHIMA
Isang babaeng staff ang natamo ng sugat sa kanyang ulo at braso noong Martes nang inatake siya ng isang black panther habang napalalapit ito sa bakod sa isang zoo sa timog-kanlurang lungsod ng Kagoshima, sinabi ng operator ng zoo.
Ang babaeng na nasa kanyang 20s ay pinagmamasdan ang panther sa oras ng pagpapakain sa pamamagitan ng isang puwang sa bakal na bakod sa Hirakawa Zoological Park nang maganap ang insidente dakong 3:20 ng hapon. Dinala siya sa isang ospital at ang kanyang mga mga sugat ay hindi naman life threatening.
Ayon sa operator ng zoo, ang isang metro na haba na babaeng panther ay tumalon patungo sa bakod at sa papamagitan ng space sa mga grills ng bakod ay nahablot niya ang trabahador na naka-duty. Ang staff ay karaniwang namamahala sa mga rhino, ngunit nasa training siya na pangalagaan ang mga panther.
Sa isang nakaraang insidente na naganap sa zoo noong Oktubre 2018, namatay ang isang 40-taong-gulang na zookeeper matapos siyang lapain ng isang 1.8-metrong white tigre sa kulungan nito.
Si Akira Fukumori, pinuno ng zoological park, ay humingi ng paumanhin para sa pinakabagong insidente sa isang press conference kalaunan. “Bagaman nagsagawa kami ng mga countermeasure kasunod ng naunang aksidente, nagkulang pa din ang aming effort,” aniya.
© KYODO
Join the Conversation