TOKYO- Ang bird flu ay napansin sa anim na prepektura ng Japan ipinahayag ng Ministry of Agriculture noong Lunes, habang nagkalat ang impeksyon sa mga poultry farms ay ang pinakamalalang outbreak sa Japan sa higit sa apat na taon.
Ang Avian Influenza ay natuklasan sa dalawang egg- producing farms sa lungsod ng Mihara sa Prepektura ng Hiroshima , pahayag ng Ministry of Agriculture sa kanilang website. Hindi maapektuhan o mahahawaan ng Bird Flu ang mga tao mula sa pagkain ng mga itlog o manok.
Ito ang pinakamalalang outbreak sa Japan mula 2016, at nagsimulang kumalat noong nakaraang buwan sa Kagawa , isang prepektura sa Shikoku. At magmula noon, kumalat ito sa mga Prepektura ng Fukuoka, Hyogo, Miyazaki at Nara.
Mahigit sa 130,000 na manok sa dalawang farms sa Mihara ang papatayin at ililibing, habang ang mga pang-export na nasa loob ng 3-km radius ng farm ay iri-restrict.
Ang bagong aksyon ay nangangahulugang halos 2 milyong manok ang napatay mula nang magsimula ang paglaganap ng impeksyon. Ang Japan ay mayroong broiler chicken population na nasa 138 milyong base sa datos noong nakaraang taon, ayon sa United States Department of Agriculture.
Ang pinakahuling outbreak ng bird flu sa Japan ay noong Enero 2018 sa Prepektura ng Kagawa , at nasa 91,000 manok ang napatay.
Ang pinakamalaking outbreak ay sa pagitan ng Nobyembre 2016 at Marso 2017, kung saan ang kabuuang 1.67 milyong manok ang napatay dahil sa H5N6 Strain ng Bird Flu.
Ang Bird Flu ay naiulat sa buong mundo, kasama ang South Korea noong nakaraang linggo na nagkumpirma ng isa pang kaso ng outbreak na humantong sa pag-pagpatay ng halos 400,000 manok at pato.
Sa Europa, ang Poultry Industry ay naka-alerto bilang paghahanda sa nakakahawang sakit dala ng Bird Flu, mapanganib sa mga hayop, at mabilis na kumakalat sa kontinente.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation