Share
HYOGO -Isang 11 taong gulang na batang babae ang namatay sa pagkahulog sa balkonahe ng 12th-floor apartment ng kanyang pamilya sa Nishinomiya,Prepektura ng Hyogo nitong Linggo.
Ayon sa report ng kapulisan ang ina ng batang babae ay tumawag sa 119 bandang 4:30 ng hapon, sinasabing ang kanyang anak ay nahulog at nakahandusay sa ibaba, iniulat ng Sankei Shimbun. Agad na isinugod sa ospital ang dalagita ngunit ito ay idineklarang Dead on Arrival.
Ayon pa sa mga awtoridad na isinalaysay sa kanila ng 44 taong gulang na ina na siya at ang kanyang anak ay umuwi mula sa pamimili dakong alas-4:00 ng hapon, at tinatapos niya ang mga gawaing bahay at hindi napansin kung saan nagpunta ang kanyang anak na babae.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation