BANGKAY NG MATANDANG BABAE, AT ANAK NATAGPUAN SA APARTMENT

Batay sa mga ebidensyang nakalap sa lugar na pinangyarihan, si Yoko ay mayroong dementia.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO – Inilunsad ng Tokyo Metropolitan Police ang isang malawakang imbestigasyon matapos madiskubre ang mga bangkay ng isang matandang babae at kanyang anak sa kanilang apartment sa Itabashi Ward, ulat ng TBS News (Disyembre 24).

Noong Huwebes, natagpuan ng mga pulis mula sa isang tip ang kinaroroonan ng mga bangkay nila Yoko Gotanda, 91, at ang kanyang anak na lalaki na 64 taong gulang na si Yasushi, sa sala.

Ayon sa awtoridad, si Yoko ay may demensya. Batay sa mga ebidensyang nakalap sa lugar na pinangyarihan, hindi ito tinatratong isang kaso ng foul play ng kapulisan.

Bandang 11:00 ng umaga ng araw din iyon, isa pang anak na lalaki ni Yoko ang nag-alerto sa kapulisan matapos malaman mula sa manager ng apartment na hindi nila nagawang macontact ang mga nakatira sa sa nasabing unit.

Source: Tokyo Reporter

Image:Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund