CHIBA- Ang All Nippon Airways Co ay naglunsad ng flight noong Lunes sa pagitan ng paliparan ng Narita at Shenzhen sa katimugang China, ang unang pang-internasyonal na ruta na binuksan magmula noong Marso, nang idineklarang isang pandemya ang outbreak ng coronavirus.
Sinimulang mag-operate ng airline sa bagong ruta matapos na muling simulan ng Tokyo at Beijing ang pabalik na business travel noong nakaraang buwan. Target din ng kumpanya ang mataas na demand para sa transportasyon ng kargamento habang isinasaayos ng Tsina ang pagbawi nito sa ekonomiya mula sa pandaigdigang krisis pang-kalusugan.
Nag-ooperate na ng mga flight ang ANA patungong Shanghai, Guangzhou at Qingdao sa mainland China.
Ang bagong ruta ay orihinal na naka-iskedyul na buksan sa Marso na kumokonekta sa Shenzhen, na nagho-host ng maraming mga high-tech na kumpanya sa isang malawak na hanay ng mga industriya, kasama ang Haneda Airport ng Tokyo. Ngunit binago ng ANA ang plano nito dahil sa outbreak ng virus. Isang round trip ay gagawin isang beses sa isang linggo, ayon sa kumpanya.
Noong Lunes, 13 na pasahero ang sumakay sa flight papuntang Shenzhen.
“Mayroon akong dalawang linggong quarantine period na naghihintay sa akin (doon). Ang novel coronavirus ay kumalat mula China at sa buong mundo, kaya ako’y nagtataka kung OK lang ba (na pumunta roon),” sabi ni Masato Sato, 37, mula sa Prepektura ng Yamagata hilagang-silangan ng Japan, bago maglakbay sa lungsod ng China.
Sinabi pa ng isang Chinese Engineer na naninirahan sa Tokyo, “Nag-aalala ako na ang mga pampublikong transportasyon kabilang ang mga bus ay maaaring tumigil dahil sa virus. Makakaapekto iyon sa aking trabaho.”
Noong nakaraang buwan, ang Japan at China ay nagsimulang tumanggap ng mga aplikasyon ng visa para sa business travels, kunsaan niluluwagan ang mga coronavirus-necessitated travel restrictions bilang bahagi ng pakikipag-tulungan sa pangalawa at pangatlong pinakamalaking ekonomiya sa mundo na makabangon.
Sa ilalim ng isang bilateral agreement, pinapayagan ng dalawang bansa ang mga negosyante sa mga panandaliang pagbisita at ma-exempt mula sa karaniwang 14 quarantine period sa oras ng kanilang pagdating kung sila ay mag-negatibo sa coronavirus test at magsumite ng itinerary ng kanilang mga aktibidad nang maaga.
Para sa mga expatriate at iba pang pangmatagalang pananatili, ang kinakailangang quarantine requirement pagdating sa kani-kanilang mga bansa ay mananatiling may bisa.
Source: Japan Today
Join the Conversation