Babaeng hitchhiker, nasaksak

Habang nanlalaban ang biktima patuloy ang pagindayog ng suspek ng pagsaksak dito sa tiyan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KOCHI – Isang babaeng hitchhiker ang malubhang nasugatan matapos na saksakin ng isang lalaki na nagpasakay sa kanya sa Nankoku, Prepektura ng Kochi, noong Linggo.

Ayon sa mga awtoridad, ang babae, na isang mag-aaral sa unibersidad na nasa edad 20 , ay nagmula sa ibang prepektura, ay naki-sakay noong umaga. Bandang 11:45 a.m., sinabi ng babae sa mga pulis na huminto ang lalaking nagmamaneho ng kotse at tinutukan siya ng kutsilyo, iniulat ng Fuji TV.

Habang nanlalaban ang biktima patuloy ang pagindayog ng suspek ng pagsaksak dito sa tiyan. Nagawa niyang bumaba ng kotse at makatakas upang humingi ng tulong mula sa mga dumadaan.

Tumakas ang lalaki sa eksena. Dinala ang babae sa ospital kung saan nilapatan ng lunas ang kanyang mga sugat, ayon sa mga pulis.

Dagdag pa ng mga awtoridad na ang may-ari ng kotse ay isang 37 taong gulang na lalaki at kasalukuyan itong malaya.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund