Inakusahan ng mga taga-usig ng Japan ang isang 42 taong gulang na lalaki sa salang pagsunog sa isang animation studio sa Kyoto.
Ang panununog sa Kyoto Animation studio noong Hulyo ng nakaraang taon ay kumitil sa buhay ng 36 katao at 32 ang sugatan.
Si Aoba Shinji ay naaresto noong Mayo. Kunsaan siya ay kinasuhan sa salang pagpatay, panununog at iba pang kaso nitong Miyerkules.
Ayon sa mga reliable sources sinabi ni Aoba sa mga awtoridad na kanyang naisip na maaari siyang makapatay ng maraming tao kung siya ay gagamit ng gasolina, at kanyang sinunog ang studio dahil diumano’y pagnakaw nito sa kanyang nobela.
Ang Kyoto Public Prosecutors Office ay pinasuri at ipina-confine si Aoba sa loob ng anim na buwan para sa mental evaluation.
Tila napagpasyahan na ng mga tagausig na ang suspek ay maaaring managot sa batas dahil sa pinlanong isagawa ang krimen.
Ang kaso ay diringgin sa isang paglilitis ng hukom.
Join the Conversation