Abe, kiniwestiyon ang prosekyusiyon

Ang dating punong ministro na si Abe ay pinag-iinitan dahil sa suspisyon na ang kanyang tanggapan ay tumulong sa pagtakip sa gastos ng mga hapunan sa hotel para sa mga tagasuporta,

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAbe, kiniwestiyon ang prosekyusiyon

TOKYO – Ang dating Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe ay sumailalim sa voluntary questioning ng mga tagausig ng Tokyo nitong Lunes sa isang kasong kinasasangkutan ng kanyang kalihim tungkol sa unreported political funds, iniulat ng publikong brodkaster na NHK noong Martes.

Si Abe, na nagbitiw sa posisyon dahil sa kanyang kalusugan noong Setyembre, ay pinag-iinitan dahil sa suspisyon na ang kanyang tanggapan ay tumulong sa pagtakip sa gastos ng mga hapunan sa hotel para sa mga tagasuporta, isang posibleng paglabag sa funding laws na kanyang mariing pinabulaanan nang siya ay humarap sa parlyamento nuong nakaraang taon.

Ang prosekyusiyon ay nag-hain ng kaso laban sa kalihim ni Abe tungkol sa unreported funds na kinasasangkutan nito na may halagang 40 milyong yen at hiniling kay Abe na sumailalim sa voluntary questioning tungkol sa isyu, iniulat ng domestic media ngayong buwan.

Ayon sa mga tagausig ng Tokyo, hindi sila nagkomento sa mga pagsisiyasat. Ang tanggapan ni Abe ay tumangging magbigay ng kumento at hiniling na ipadala ang mga katanungan sa pamamagitan ng facsimile.

Nilalagay din sa panganib ng isyu ang kasalukuyang Punong Ministro na si Yoshihide Suga, na kanang kamay ni Abe sa kanyang panunungkulan noong 2012-2020 at ipinagtanggol siya sa parlyamento.

Nakita na ni Suga ang kanyang approval ratings sa sa kanyang pagtugon sa pandemya ng COVID-19. Naging mainit siya sa mata ng publiko dahil sa pagdalo sa year-end social gatherings sa kabila ng pagba-bawal sa mga mamamayan ng Japan na iwasan ang mga nasabing pagti-tipon sa gitna ng patuloy na pag-kalat ng mga kaso ng coronavirus.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund