YOKOHAMA- Isang banggaan ang naganap sa intersection sa Yokohama nitong Linggo, kungsaan isang kotse ang nakabangga ng isang motorsiklo na naging sanhi ng pagka-araro ng motor sa mga pedestrian sa isang bangketa. Pito sa mga naglalakd at ang nakamotorsiklo ang isinugod sa ospital; tatlo (3) ang nagtamo ng malubhang pinsala, ayon sa mga imbestigador.
Arestado ang drayber ng kotse na si Takamichi Aoki, 68, sa salang Dangerous Driving Result in Injury, iniulat ng Fuji TV. Ayon pa sa mga pulis, sinabi ni Aoki, may trabaho, na nawaglit ang kanyang tingin sa kalsada ng isang segundo at hindi nakita ang padating na motorsiklo sa kanyang harap.
Dagdag pa ng mga pulis at mga nakasaksi, naganap ang aksidente dakong 1:00 ng hapon, sa isang intersection sa Chinatown sa Naka Ward. Paikot si Aoki nang tamaan niya ang motorsiklo na padiretcho ang takbo.At sa lakas ng impact sumadsad ang motorsiklo sa sidewalk kung saan tinamaan nito ang mga naglalakad.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation