2 LALAKI ARESTADO SA PANDURUKOT SA NATUTULOG NA PASAHERO

Binalaan din ng National Police Agency ang mga nagbibiyahe at mamimili na mag-ingat sa mga mandurukot.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO- Inaresto ng mga awtoridad sa Tokyo ang dalawang lalaki dahil sa salang na pagna-nakaw ng pitaka mula sa natutulog na pasahero sa isang subway train.

Ayon sa mga pulis, si Masao Sudo,74, at Yoshinobu Oshiro,61, parehong walang permanenteng tirahan o trabaho, ay nagtulungan upang nakawin ang wallet ng isang commuter dakong 6:45 ng umaga noong Linggo, iniulat ng Fuji TV. Parehong tumanggi ng mga lalaki sa krimen.

Ayon pa sa mga pulis, ang dalawang lalaki ay nakaupo sa magkabilang gilid ng pasahero sakay ng tren sa Marunouchi sa pagitan ng mga istasyon ng Minami-Asagaya at Ogikubo. Pinitik ni Oshiro ang pitaka, na naglalaman ng halos 8,000 yen, mula sa bukas na bag ng 24 taong gulang na lalaking pasahero na nakatulog dahil sa kalasingan.

Nakita ng isang opisyal ng kapulisan sa tren ang insidente ngunit sa paglapit niya sa kalalakihan, binitawan ni Oshiro ang pitaka. Si Sudo ay nagsabi na nakausap niya si Oshiro ngunit hindi sila magkakilala. Ang dalawa ay kiniwestyon tungkol sa kanilang pagkakasangkot sa mga katulad na insidente ng pagnanakaw sa mga tren.

Sinabi pa ng mga pulis na pinalakas nila ang mga pagpapatrolya sa mga tren para sa mga year-end party na panahon kung saan maraming mga lasing na pasahero ang magsisiuwi.

Binalaan din ng National Police Agency ang mga nagbibiyahe at mamimili na mag-ingat sa mga mandurukot.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund