OSAKA (TR) – 2 kababaihan ang natagpuang namatay sa kanilang tahanan sa lungsod ng Osaka nitong nakaraang linggo dahil sa gutom, ayon sa mga awtoridad, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (ika-5 ng Disyembre).
Nuong ika-11 ng Disyembre, ayon sa pulis na nag-imbestiga base sa isang tip, ay nag-tungo sa may Minato Ward at natagpuan ang parehong katawan ng dalawang kakabihan sa loob ng tirahan.
Ang naninirahan sa nasabing bahay ay isang ginang na nasa edad na 60’s at ang kanyang 42 anyos na anak na babae.
Nitong Lunes, sinabi ng Minato Police Station na ang dahilan ng pag-panaw ng 2 babae ay dahil sa malnutrisyon. Sa kaso ng matandang ginang, ang malnutrisyon ang naging dahilan upang ito ay magkaroon ng heart failure. Sinabi rin na ang timbang ng kanyang anak ay nasa 30 kilos lamang.
Ang dalawang babae ay pumanaw ilang buwan na ang nakalilipas. Pinasok ng mga pulis ang nasabing tirahan matapos tawagan ng isang empleyado ng management company ng nasabing unit ang kamag-anak ng mga naninirahan sa nasabing apartment. “Tumatambak na ang mga sulat nila.” ani ng empleyado.
Ayon sa mga pulis, sinuri ang loob ng refrigerator ng mga ito at duon nakita na wala itong lamang pagkain.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation