Inimbestigahan ng pulisya ang pamamaril noong Nobyembre 3 sa kalye ng lungsod ng Amagasaki sa Prepektura ng Hyogo na nag-iwan ng dalawang lalaking sugatan at kinilala ang mga biktima bilang kaanib ng isang yakuza group.
Sinabi ng Hyogo Prefectural Police na ang isa sa mga biktima, na may edad na 64, ay isang senior member ng Kobe Yamaguchi-gumi Yakuza Group na namuno sa isang gang sa ilalim ng samahan. Binaril siya sa magkabilang hita at dumanas ng malubhang pinsala na inaasahang mangangailangan ng tatlong buwan na pag-gagamot. Ang iba pang biktima, na may edad na 61, ay miyembro ng parehong gang.
Hinala ng mga pulis na ang pamamaril ay nangyari sa gitna ng nagpapatuloy na tunggalian ng gang. Sinabi nila na ang dating pinuno ng parehong gang ay binaril at napatay sa isang kalye sa Amagasaki noong Nobyembre 2019, na humantong sa pagka-aresto sa isang dating miyembro ng isang pang gang na kaakibat ng karibal na Yamaguchi-gumi, ang pinakamalaking Yakuza Group ng Japan.
Ang lugar kung saan naganap ang pamamaril ay halos 500 metro ang layo mula sa tahanan ng 64 na taong gulang. Ang dalawang biktima ay magkasamang naglalakad nang may humarang sa kanila at pagkatapos ay malapitan silang pinagbabaril, dagdag pa ng mga pulis.
Nagpapatuloy ang tunggalian sa pagitan ng Kobe Yamaguchi-gumi at ng Yamaguchi-gumi, at mula noong Enero ang dalawang samahan ay itinalaga sa 10 ng 47 na Prepektura ng Japan bilang mga warring crime syndicate.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation