Suga, inaasahan na maka-usap si Biden sa Huwebes

Inaasahan din niya na higit na palakasin ang alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSuga, inaasahan na maka-usap si Biden sa Huwebes

Napag-alaman ng NHK na ang Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide ay plano na makipag-usap sa hinirang ng Pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden sa pamamagitan ng telepono sa darating na Huwebes.

Nilalayon ni Suga na direktang ibigay ang kanyang pagbati kay Biden habang sila ay magkausap. Inaasahan niyang makabuo ng isang relasyon sa hinirang ng pangulo na nabuo ang pagtitiwala.

Nais kumpirmahin ng Punong Ministro ng Japan na ang ugnayan sa pagitan ng Japan at Estados Unidos ay mananatiling matatag. Inaasahan din niya na higit na palakasin ang alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.

Nakipag-usap si Suga sa mga reporter noong Lunes. Sa oras na iyon, nagpaabot siya ng kanyang pagbati sa hinirang na Pangulo ng Estados Unidos. Sinabi din niya na nais niyang makipag-usap kay Biden sa telepono at direktang batiin siya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund