“Santa Claus isn’t coming to town’: Ang taunang pagbisita sa Japan ni Father Christmas ay nakansela dahil sa pandemiya

"Sa kasamaang palad, nang dahil sa coronavirus ay naging imposible para kay Santa na makarating."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

NARITA, Chiba – Bawat taon sa loob ng 30 taon, isang Finnish Foundation Certified Santa Claus ang nagpupunta sa Japan upang ipagdiwang ang panahon ng kapaskuhan, na naging hallmark na padating na Christmas Season. Gayunpaman, sa taong ito, ang pagbisita ni Saint Nick ay maaantala dahil sa pandemya ng coronavirus.

Sa isang ordinaryong taon, sa huling bahagi ng Nobyembre hanggang unang bahagi ng Disyembre, isang Santa na may pulang-sumbrero at may balbas ang sumasakay ng jet ng Finnair upang maglakbay patungong Japan. Sa kaniyang pagdating, karaniwang naglalakbay ito sa buong bansa upang mamigay ng mga regalo sa mga bata, at sumasali rin sa iba’t ibang mga events.

Sinabi ng isang kinatawan ng Finnair, “Sa kasamaang palad, ng dahil sa coronavirus ay naging imposible para kay Santa na makarating. Kapag umayos na ang mga bagay-bagay, nais naming makabalik siya diyan.Bagaman mahirap sa ngayon, inaasahan naming ang mga tao na alagaan ang kanilang kalusugan, at isang maligayang pasko. ”

Source and Image: The Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund