TOKYO
Isang bayan sa Hokkaido ang nag-deploy ng mga robot wolf sa pagsisikap na takutin ang mga wild bear na naghahasik ng panganib at perwisyo sa bayan.
Ang bayan ng Takikawa sa hilagang isla ng Hokkaido ay bumili at nag-install ng pares ng mga robot matapos may mamataan na bear na gumagala sa mga kapitbahayan noong Setyembre. Sinabi ng mga opisyal ng lungsod na wala pa namang close encounter sa mga bear sa kasalukuyan.
Ayon sa mga report mayroong dose-dosenang mga pag-atake ng mga bear sa tao ngauon lamang taon, dalawa sa mga ito ang namatay, na nagtulak sa gobyerno na magpatawag ng isang emergency na pulong noong nakaraang buwan upang tugunan ang banta sa buhay ng tao.
Ang tinaguriang robot na ‘Monster Wolf’ ay binubuo ng isang shaggy na katawan na may apat na paa, matutulis na pangil, kumikinang na pulang mga mata. Kapag nakadetect ng movement ang mga sensor nito, paiilawan nito ang paligit at gagalaw ito at tutunog na katulad ng pag growl at sigaw ng isang tunay na wolf.
© Thomson Reuters 2020.
Join the Conversation