Punong Ministro ng China maaring bumisita sa Japan nitong buwan mg Nobyembre

Ang naunang planadong state visit ni Xi sa Japan ng mas maaga nitong taong to ay nakansela dahil sa kasalukuyang pandemya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO -Ang Punong Ministro ng China na si Wang Yi ay maaaring bumisita sa Japan nitong buwan upang kanyang personal na makilala ang kanyang Japanese Counterpart na si Toshimitsu Motegi patungkol sa mga talakayin at mga usapin sa cooperation laban sa coronavirus at sitwasyon ng East China Sea. Iniulat ng Mainichi Newspaper.

Si Wang Yi ay maaari ring mag-courtesy visit kay Punong Ministro Yoshihide Suga, ayon pa sa pahayag.

Ang kanyang pagbisita sa Japan ay maaaring pagkatapos ng isang video conference ng mga namumuno sa pangkat ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Nobyembre 20 at G20 Leader’s Virtual Summit sa Nobyembre 21-22, pahayag pa nga newsnetwork.

Ang pagbisita ay kasunod ng tawag sa telepono sa pagitan ni Suga at Pangulo ng Tsina na si Xi Jinping noong Setyembre kung saan ang mga pinuno ay sumang-ayon na magkaroon ng mas maraming mataas na antas ng mga contact upang maitaguyod ang panrehiyon at international stability.

Ang naunang planadong state visit ni Xi sa Japan ng mas maaga nitong taong to ay nakansela dahil sa kasalukuyang pandemya.

Mayroong isang maliit na posibilidad na talakayin ng dalawang bansa ang mga detalye ng muling iskedyul ng pagbisita ni Xi sa Japan sa panahon ng pananatili ni Wang sa Tokyo, ayon sa ulat.

Si Suga, na naging Punong Ministro noong Setyembre, ay dapat pamahalaan ang pakikipag-ugnay sa mas malaking kapitbahay ng Japan habang lumalala ang tension sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos sa gitna ng pandemya at lumalalang trade friction.

Ang Tokyo ay nakikipagtalo din sa Beijing tungkol sa pagmamay-ari ng mga isla sa East China Sea at nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa pagtaas ng aktibidad ng militar ng China sa rehiyon.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund