Pinay, huli sa hindi pagbabayad ng utang na umabot na ng libo-libong lapad

Noong Nov. 10, inaresto ng pulisya ng Nagasaki ang isang Pinay (52) ,walang trabaho na taga Oura-cho, Nagasaki City sa kasong money fraud dahil sa hindi pagbayad ng utang na umabot na sa ilang daang lapad.  #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinay, huli sa hindi pagbabayad ng utang na umabot na ng libo-libong lapad

Noong Nov. 10, inaresto ng pulisya ng Nagasaki ang isang Pinay (52) ,walang trabaho na taga Oura-cho, Nagasaki City sa kasong money fraud dahil sa hindi pagbayad ng utang na umabot na sa ilang daang lapad.

Noong Nobyembre 24, 2017, nagsinungaling siya sa isang lalaking Hapon, 83 taong gulang, landlord ng isang apartment na dati niyang tinitirhan at inutangan ito ng pera dahil daw namatayan siya ng tatay at kinakailangan nya ng pera para sa pagpapalibing.

Noong una pinautang siya ng matanda ng malaking halaga ng pera at kinalaunan ay maka ilang beses pa niya itong inutangan hanggang sa umabot na sa 3.2 milyong yen o 320 na lapad ang kanyang nautang.

Wala namang ni singko siyang nabayaran hanggang ngayon, ilang taon na ang lumipas kung kaya’t naghingi ng tulong sa pulisya ang biktima. At doon na sya hinuli sa kasong money fraud dahil malinaw naman na wala siyang planong magbayad.

Ayon naman sa suspect, may plano naman daw siyang bayaran ang kanyang mga utang.

Ayon sa paghahalughog ng mga pulis sa tirahan ng suspect, nakitaan ito ng ilang mamahaling branded na mga items sa kanyang bahay.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund