Pinagtutusok na mamahaling melon gamit ang daliri, babae arestado sa Hokkaido

Inihayag ng pulisya sa Kushiro City, Hokkaido Prefecture, ang pag-aresto sa isang babae dahil sa pagtusok ng 13 pirasong melon gamit ang kanyang daliri. Gayunpaman, nananatiling hindi malinaw ang kanyang mga motibo sa paggawa nito. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinagtutusok na mamahaling melon gamit ang daliri, babae arestado sa Hokkaido

TOKYO

Inihayag ng pulisya sa Kushiro City, Hokkaido Prefecture, ang pag-aresto sa isang babae dahil sa pagtusok ng 13 pirasong melon gamit ang kanyang daliri. Gayunpaman, nananatiling hindi malinaw ang kanyang mga motibo sa paggawa nito.

Ang krimen ay naganap noong Hulyo 28, nang ang 64-taong-gulang na suspek ay pumasok sa isang supermarket at pinagtutusok ng daliri ang mga melon hanggang sa mabutas ang mga ito bandang 1:30 ng hapon.

Mahalagang tandaan na ang mga ito ay hindi lamang ordinaryong mga melon, ngunit ang kilalang Yubari King na madalas nasa headlines dahil sa kamahalan nito. Ang nabiktimang mga melon ay may pinagsamang halaga na 14,000 yen.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund