Binuksan ang isang PCR Testing Center sa Narita Airport na malapit sa Tokyo para sa mga pasahero na mangangailangan ng patunay na sila ay may negatibong resulta ng coronavirus test bago bumiyahe sa ibang bansa.
Sinabi ng operator ng Narita Airport na ito ang kauna-unahan navpasilidad na mayroon ng tulad ng On The Spot na pasilidad sa isang paliparan sa Japan.
Itinakda ng operator ng paliparan ang nag-set up ng facility kasama ang Nippon Medical School Foundation at ipinakita ito sa media noong Lunes.
Ang move na ito ay isang restriction alinsunod sa mga paghihigpit sa international travel, habang dahan- dahan ang binabawasan ang mga nasabing panukala laban sa pandemya, unti-unti na ding nagbubiukas ang maraming bansa at rehiyon ang inanaasahang hanapin sa mga pasahero ang dokumento na nagpapatunay na negatibo ang resulta ng test.
Bukas ang center 24 oras at maaaring magsagawa ng halos 700 PCR Test bawat araw. Mayroon itong 30 mga doktor at nars naagaassits sa mga tao.
Ang mga manlalakbay ay hindi na kailangang magpa-schedule ng appointment para makapagpatest. Sinabi ng center na inaasahan nitong makapagbigay ng sertipikadong mga resulta sa tests sa loob ng dalawang oras sa pagtatapos ng buwan na ito.
Sinasabi nito na mayroon itong 11 reservations para sa Lunes. Sinabi ng isang 45 taong gulang na empleyado ng kumpanya na ang serbisyo ay magiging convenient dahil ang mga tao ay maaaring makakuha ng mabilis at agarang mga resulta nang hindi bumibisita sa isang ospital.
Ang isang executive ng Nippon Medical School Foundation na si Kumita Shinichiro, ay nagsabing ang center ay magdaragdag ng higit pang kagamitan kung tumaas ang bilang ng mga test-taker.
Source and Image: News on Japan
Join the Conversation