TOKYO- Isang pasaherong lalaki ang nagtamo ng minor na pinsala matapos itong gamitan ng pepper spray sa isang subway station sa Chiyoda Ward ng Tokyo noong Martes.
Ayon sa mga imbestigador, ang insidente ay naganap dakong 12:40 ng hapon, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng mga naka-saksi sa mga pulis na ang biktima, na nasa edad 40, ang nakikipagtalo sa isang lalaking pasahero na hindi natatakpan ang ilong gamit ang facemask. Matapos masita sa hindi tamang pagsusuot ng face mask, sabay bumaba ng tren ang biktima at ang suspek sa Kudanshita Station, bigla diumano’y nagkagulo at nagtalo ang dalawa sa Hanzomon Line Platform. Ang lalaki na tinatayang nasa edad 40, ay ginamitan ng pepper spray at agad itong napaupo sa sahig.
Agad isinugod sa ospital ang biktima upang malapatan ng agarang lunas.
Ayon sa kapulisan, hindi magkakilala ang dalawang lalaki bago ang insidente. Habang ang suspek na tinatayang nasa edad 30 ay nakatakas sa Kudanshita Station.
Source: Japan Today
Join the Conversation