Operasyon ng mga cruise ship ay nagpapatuloy na sa Pantalan ng Yokohama

Ang operator ng Asuka II na nagsagawa ito ng mga drill kung paano tumugon sa mga impeksyon sa onboard.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang operasyon ng mga cruise ship ay nagsimula na sa Pantalan ng Yokohama malapit sa Tokyo, matapos ang walong buwan na suspensyon dahil sa malawakang pagkalat ng coronavirus.

Ang pinakamalaking cruise ship ng Japan, na Asuka II, ay umalis sa daungan noong Lunes sakay ang halos 330 na mga pasahero para sa apat na araw na pag-ikot sa Pantalan ng Shimizu sa Prepektura ng Shizuoka.

Ang mga opisyal ng pantalan sa Yokohama ay tumigil sa mga operasyon ng cruise noong Pebrero bilang tugon sa mga impeksyon ng coronavirus na tumama sa mga pasaherong sakay ng Diamond Princess.

Sinabi ng operator ng Asuka II na nagsagawa ito ng mga drill kung paano tumugon sa mga impeksyon sa onboard.

Sinasabi rin nito na kanilang binawasan ang bilang ng mga pasahero sa mas mababa sa kalahati ng buong kakayahan at kapasodad ng barko at lahat ng mga pasahero ay sumailalim sa tests.

Isang babaeng pasahero na maglalakbay kasama ang kanyang ina ang nagsabing nais nilang sundin ang mga pamamaraan sa kalinisan upang magkaroon sila ng di malilimutang at kasiya-siyang biyahe.

Ang pinuno ng awtoridad sa daungan ng Yokohama na si Nakano Hiroya, ay nagsabi na ang mga opisyal ay nakipagtulungan sa mga operator ng barko upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon onboard ng mga cruise ship.

Ang mga cruise ship ang sumisimbolo sa mga daungan, dagdag pa ni Nakano na itataguyod nito ang pagpapatuloy ng mga operasyon bilang “isang simbolo ng pagbawi ng lipunan” mula ng outbreak.

Ang isa pang cruise ship ang naka-iskedyul na umalis sa Yokohama sa darating na Sabado.

Source: News on Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund