Ang mga tao sa Timog-Kanlurang Prepektura ng Okinawa ay ginunita ang isang taon ng pagkasunog at pagkatupok sa apoy ng pangunahing bulwagan at iba pang kalapit na gusali sa Shuri Castle.
Humigit kumulang 70 katao ang nakilahok sa isang fire extinguishing drill sa lugar noong Sabado ng umaga.
Isang pagdiriwang din ang naganap sa kastilyo ng parehong araw, na nagtatampok ng iba’t ibang mga events. Ang mga turista at iba pa ay kumuha ng mga litrato sa lugar kung saan dating nakatayo ang pangunahing bulwagan ng kastilyo.
Nagpahayag ng saloobin ang isang residente na ninanais niyang maitayo ang kastilyo sa lalong madaling panahon dahil ito ay sumisimbulo sa Okinawa.
Ang isang Tourist Guide na nasa 80s ang edad, ay nagpahayag din ng pag-asa na mabilis na restoration , at sinasabi na patuloy niyang ipaalam sa mga bisita ang mga kwento pa- tungkol sa kastilyo.
Natupok ng apoy ang anim na gusali sa kastilyo, kabilang ang pangunahing bulwagan, noong Oktubre 31, 2019. Sinabi ng mga awtoridad at bumbero na ang sunog ay malamang na sanhi ng isang problema sa elektrisidad at wala silang nakitang tanda ng arson.
Nilalayon ng pamahalaang sentral na maibalik ang kastilyo sa dati nitong kagandahan sa taong 2026.
Ang Shuri Castle ay orihinal na itinayo mga 500 taon na ang nakalilipas. Nawasak ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pangunahing bulwagan at iba pang mga gusali ay itinayong muli mga dekada na ang lumipas. Noong taong 2000, ang mga labi ng orihinal na kastilyo ay itinalaga bilang isang UNESCO World Heritage site.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation