TOKYO -Ang mga Health Official ng Japan ay natagpuan ang mga 164 na payat na mga aso na nagsisiksikan sa isang maliit na kulungan, sa isa sa pinamalalang kaso ng animal hoarding sa bansa, sinabi ng isang aktibista ng mga Animal Rights noong Miyerkules,
Ang mga aso na puno ng parasite ay natagpuan sa isang 30 square-meter na bahay sa lungsod ng Izumo, Prepektura ng Shimane noong kalagitnaan ng Oktubre matapos magreklamo ang mga kapitbahay, sinabi ni Kunihisa Sagami, ang pinuno ng grupong animal rights na Dobutsukikin.
Ang mga aso ay nanirahan na nag-sisiksikan sa mga istante at sa ilalim ng mga mesa at upuan.
“Ang buong sahig ay puno ng mga aso at lahat ng puwang sa sahig na nakikita mong natatakpan ng dumi ng mga ito, ” sabi ni Sagami.
Ang public health officials ay unang bumisita sa bahay may pitong taon na ang nakalilipas matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga kapitbahay tungkol sa ingay at masamang amoy ngunit hindi pumayag ang may-ari na mag-imbestiga sa mga oras na iyon.
Ang tatlong tao na nakatira sa bahay ay nagsabi na hindi nila kayang mag-spay at neuter ng mga aso, kaya’t patuloy itong dumarami.
Sinabi pa ni Sagami na sumang-ayon ang pamilya na ibigay ang mga aso at ang kanyang grupo ay maghahanap ng mga foster homes para sa kanila pagkatapos nilang mabigayan ng medical care.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation