Namataan ang ilang mangingisda na sinasalansan ang mga snow crab sa isang fishing boat sa labas ng Prepektura ng Hyogo sa kanlurang Japan noong Nobyembre 6, 2020, matapos ang seasonal fishing ban para sa mga alimango ay na-lift para sa Dagat ng Japan sa pagitan ng mga Prepektura ng Toyama at Shimane sa hatinggabi ng parehong araw.
Siyam na trawler ang umalis sa Pantalan ng Hamasaka sa bayan ng Shinonsen, Prepektura ng Hyogo upang mangisda. Sa sasakyang “Daiichi Koei-maru”, ang mga mangingisda ay nag-hango ng isang lambat na puno ng mga snow crabs at sino-sort out ang mga ito ayon sa laki.
Si Shinji Kawagoe, 59 taong gulang na kapitan ng barko ay nagsabing, “Nagkaroon ng lumalaking demand para sa mga alimango mula sa mga hot spring ng Kinosaki at Yumura salamat sa travel subsidy na kampanya ng gobyerno. Nais naming magsikap upang makahuli ng marami.”
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation