KANAGAWA – Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang miyembro ng isang criminal syndicate sa kasong hit and run sa Lungsod ng Yokohama ng taong ito, ulat ng NHK (Nob. 26).
Bandang 1:20 ng umaga noong Marso 24, si Eiji Takaoka, isang 52 taong gulang na upper-member ng Inagawa-Kai, ay nakasagasa at nakapatay sa pedestrian na si Yuta Okawa, 31, sa isang kalsada sa Minami Ward.
Ayon sa kapulisan, tumakas si Takaoka sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Nang siya ay nadakip sa salang Negligent Driving resulting to Death, sinabi ni Takaoka, “Pag-iisipan ko ito at makikipagusap ako pagkatapos.”
Si Okawa ay isang empleyado na nakatira malapit sa pinangyarihan ng aksidente.
Si Takaoka ay lumitaw bilang person of interest sa kaso matapos ang pagsusuri sa mga nakuhang footage ng security camera.
Kinumpirma din ng mga pulis na ang mga bahagi ng side mirror ng sasakyan ni Takaoka ay naiwan sa kalsada.
Natagpuan ng mga awtoridad si Takaoka sa tirahan ng isang kakilala noong Miyerkules.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation