“Masangsang na amoy”, humahantong sa pagkatuklas ng mga labi sa isang tirahan sa Otsuka

"Napansin ko na ang aking ina ay namatay, ngunit nawala ako sa katinuan at hindi ko alam kung ano ang gagawin, kaya iniwan ko ito."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 55 taong gulang na lalaki matapos matuklasan ang isang bangkay sa loob ng kanyang apartment sa Toshima Ward, iniulat ng Sankei Shimbun (Nob. 11).

Noong Martes, natagpuan ang isang bangkay na animo’y kalansay , ng mga pulis dahil sa isang tip, sa ibabaw ng futon sa loob ng isang apartment, na matatagpuan sa loob ng isang gusali malapit sa JR Otsuka Station.

Ayon sa Sugamo Police Station, kasama ni Masahiro Omori sa tirahan ang kanyang ina, na may edad na 80s. Sa interogasyon sinabi niya na namatay ito sa bandang Araw ng Bagong Taon sa taong ito.

Sa kanyang pagka-aresto dahil sa hinala na abandoning a corpse noong Martes, inamin ni Omori ang pagkakasala. “Napansin ko na ang aking ina ay namatay, ngunit nawala ako sa katinuan at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kaya iniwan ko (ang kanyang katawan) tulad ng dati, ”salaysay ng suspek sa mga pulis.

Bago ang pagtuklas sa bangkay, isa pang taong nakatira sa gusali ng apartment ang bumisita sa tanggapan ng Toshima Ward. “Mayroong mabahong amoy [nagmumula sa loob],” sinabi ng kapitbahay na tumutukoy sa yunit ni Omori. At isang kawani ng opisina ang nag-report sa kapulisan.

Kasalukuyang inaantay ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at pagkakakilanlan ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund