Magnanakaw nakuha ang ¥70,000 sa apartment ng isang estudyante

Diumano'y ginising ng suspek ang natutulog na babae at nag-demand ng pera ,sinabihan din itong papatayin kung magtangkang manlaban.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

MITO- Isang lalaki ang nanloob sa apartment ng isang 22 taong gulang na estudyante ng unibersidad sa Mito, Prepektura ng Ibaraki, at ninakaw ang ¥70,000 yen na cash, pahayag ng mga pulis noong Linggo.

Ayon pa sa mga pulis, ang panloloob sa apartment ay nangyari dakong 3:45 ng madaling araw Sabado kungsaan diumano’y ginising ng suspek ang natutulog na babae at nag-demand ng pera ,sinabihan din itong papatayin kung magtangkang manlaban , iniulat ng Sankei Shimbun.

Matapos maibigay ng biktima ang pera at ang cell phone, binusalan ng suspek ang biktima at itinali nito ang mga kamay at binti at saka tumakas.

Nagawang makawala ng babae sa pagkakatali at nag-report sa kapulisan sa pamamagitan ng isang social network site gamit ang kanyang computer. Udinagdag ng mga pulis na ang biktima ay walang tinamong pinsala.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund