Lamborghini, nag-apoy at sumabog sa Kyoto

Dahil sa aksidente, ang panig ng Meishin Expressway ay isinara ng halos 90 minuto sa pagitan ng Kyoto-East at Kyoto-South interchanges.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KYOTO – Nasunog ang isang Lamborghini sports car matapos mag-crash sa isang highway sa Lungsod ng Kyoto noong Miyerkules, ayon sa mga awtoridad at iniulat ng Nippon News Network (Nob. 25).

Bandang 8:50 ng umaga, sinubukan ng 52 taong gulang na lalaking nagmamaneho ng Lamborghini na magpalit ng linya sa Meishin Expressway sa Yamashina Ward patungo sa Lungsod ng Osaka.

Gayunpaman, sumalpok ito sa isang trak at isa pang passenger vehicle. Habang ito’y nagpapa-ikot ikot sa kawalan ng kontrol , tumama pa ito sa ikaapat na sasakyan at biglang tumigil sa median lane.

Nakarap ang sports car sa opposite side ng trapiko ay bigla itong nagapoy at sumabog. Sa footage na nai-post sa social media, ang usok at apoy ay nag-mula sa katawan ng basag na sasakyan habang ito’y nasa gitna ng kalsada.

Ang driver ng Lamborghini ay dinala sa isang ospital na may hindi natukoy na pinsala. Ang drayber ng trak, na nasa edad 40 ,ay nagtamo ng minor neck pain, ayon sa mga pulis.

Dahil sa aksidente, ang panig ng Meishin Expressway ay isinara ng halos 90 minuto sa pagitan ng Kyoto-East at Kyoto-South interchanges.

https://youtu.be/c3BAJyAZSi8

Source: Tokyo Reporter

Video: YouTube

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund